LEGAZPI CITY- Kumpiyansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na malaki ang maitutulong ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mas maayos na distribusyon ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD National Household Targeting Office Director Justin Batocabe, tiwala sila sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa paniniwalang ilang local officials ang may bias sa pagpili ng benepisyaryo.
Sinabi pa ni Batocabe, may mga sitwasyon kung saan mga kakampi sa pulitika lamang ang nabigyan ng ayuda.
Subalit nilinaw ni Batocabe na gagamitin pa rin ang listahan na mula sa local government unit para sa mga una nang nakatanggap ng ayuda, maging ang kabilang sa mga “waitlisted”.