LEGAZPI CITY- Personal na binisita ng Department of Social Welfare and Development Bicol ang pamilya ng 17-anyos na dalagita na nasagasaan ng tren sa Barangay Inarado, Daraga, Albay.
Ayon kay DSWD Bicol Director Norman Laurio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagpaabot ang ahensya ng tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals In Crisis Situations.
Napaabutan rin ito ng funeral needs habang ang ama naman ng biktima ay nabigyan ng asistensya sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program.
Paliwanag ng opisyal na matindi ang trauma ng naturang pamilya sa biglaan na pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.
Samantala, maliban sa tulong pinansyal ay nagpaabot rin ang tanggapan ng psychosocial intervention.
Paliwanag ng opisyal na malakingtrauama ang naranasan ng naturang pamilya matapos ang biglaan na pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.