LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Bicol na may sapat na pondo ang ahensyaa para sa ayuda ng mga residenteng halos dalawang buwan ng nananatili sa evacuation centers dulot ng abnormalidad ng bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Social Welfare Bicol Regional Director Norman Laurio, natatapos pa lamang ang ahensya sa pamimigay ng ikalawang P12,330 na cash assistance sa nasa 5,700 na pamilyang evacuees.

Prayoridad sa mga nabigyan ang mga pamilyang nanatili pa sa mga evacuation center partikular na ang mga may kabuhayan na nasa loob ng 6km permanent danger zone ng bulkan.

Maliban dito, tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng food at non-food items ng ahensya sa Mayon evacuees.

Ayon kay Laurio, wala pa ng katiyakan kung kailan matatapos ang pag-aalburoto ng bulkan subalit tiniyak na patuloy ang paghahanap ng pondo ng ahensyaa upang matugunan ang mga pangangailanga ng mga apektadong pamilya.

Sa ngayon, umaabot na sa P221 million ang kabuuang halaa ng naibahaging tulong sa mga evacuees mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Sa naturang bilang P171 million ay mula sa Department of Social Welfare and Development na binubuo ng food at non-food items at iba pang ayuda.