LEGAZPI CITY – Tumutulong ngayon ang Department of Science and Technology Bicol sa mga kababaihan upang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Department of Science and Technology Bicol Director Rommel Serrano, tinatawag ang programa bilang “iWOMEN Pioneering Innovations for Women Enterprises” na layuning matulungan ang mga kababaihan na maging matagumpay sa kanilang negosyo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng programa ang mga kababaihan na unang pagkakataon pa lamang na sumabak sa pagne-negosyo.
Nagsasailalim ang mga ito sa training saka binibigyan ng kapital upang makapagsimula.
Ayon kay Serrano na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng kabuhayan ang mga benepisyaryo at magkakaroon pa ng industriya na magbibigay ng hanapbuhay sa iba pang mga Bicolano.
Samantala, kinilala at pinuri naman ng Department of Science and Technology national office ang naturang programa na planong ilunsad sa buong bansa.