LEGAZPI CITY- Kasabay ng pagtatapos ng Palarong Pambansa 2024 ay nakapagbulsa ng ilang mga parangal ang Bicol delegation.

Ang Region 5 kasi ang nakasungkit ng parangal bilang Most Eco-Friendly Delegation dahil sa pagpapakita nito ng commitment sa eco-friendly practices.

Kinilala ang mga hakbang ng mga atleta at staff ng delegasyon sa pangangalaga ng kalapigiran.

Dahil dito ay tumanggap ang rehiyon ng P15,000 na premyo.

Maliban dito, nai-uwi rin ng Bicol ang Pinakamatatag na Delegasyon dahil sa ipinakitang pagkakaisa ng mga delegado.

Personal naman na tinanggap ni Department of Education Bicol Director Gilbert Sadsad ang naturang parangal, kasama pa si Assistant Regional Director Bebiano Sentilla.