LEGAZPI CITY- Nakahanda na ang buong pwersa ng Daraga Public Safety Office para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase ngayong araw ng Lunes, Hulyo 29.

Ayon kay Daraga Public Safety Office Spokesperson Lorenzo Bañas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na partikular na nakatutok ang kanilang pwersa sa Daraga National High School at Daraga North Central School.

Ang naturang mga paaralan kasi ay nagsilbing billeting areas ng mga delegado sa nakalipas na Private Schools Athletic Association.

Paliwanag ng opisyal na nahakanda silang tumulong kung may mga kinakailangan pang paghahanda ang naturang mga paaralan.

Samantala, sinabi pa ni Bañas na tututukan rin nila ang mga insidente ng over charging sa mga tricycle dahil sa inaasahan na bugso ng mga pasahero.