LEGAZPI CITY- Umabot na sa halos P400-milyon ang kabuuang halaga ng danyos na iniwan ng magnitude 6 na lindol sa Masbate noong nakaraang buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gremil Naz, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense-Bicol, base sa pinakahuling datos mula sa isinagawang mga inspeksyon, 331 ang bilang ng mga kabahayan na nasira, kung saan walo rito ang totally damage, at 323 naman ang partially damage.
Umabot na rin sa 237 ang mga eskwelahan na naapektuhan na may halagang P328,240,000.
Maliban pa rito ay lumubo rin sa P26,264,000 ang halaga ng mga nasirang national infrastratures, kasama ang limang tulay, dalawang national road, tatlong government facilities, at dalawang flood control infrastracture.
Habang sa pinagsama-samang report ng mga MDDRMO, nasa P37,458,000 ang halaga ng mga nasirang local infrastractures, kabilang na ang 14 na pasilidad ng gobyerno, apat na simbahan, dalawang health facilities, at isang pribadong building.
Sa kabuuan ay umabot ng P391,962,000 ang danyos na dala ng nasabing lindol, at posibole pa umanong madagdagan o ma-modify.
Samantala, sa hiwalay ng panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr Leni Torrevillas, ang resident volcanologist sa PHILVOLCS- Masbate
Base umano sa pinakahuling datos kahapon, ay umabot na sa 822 ang mga aftershocks , kung saan 60 nito ay naramdaman ng mga residente, pinakahuli ang magnitude 3.