LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Dalupiri Island sa Cagayan.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim ang pagyanig na 10km at tectonic ang pinagmulan.

Kaugnay nito ay pinawi ng ahensya ang pangamba ng publiko at sinabing walang inaasahan na aftershocks.

Samantala, wala ring naitalang pinsala kaugnay ng naturang lindo.