Nagliyab ang dalawang malaking oil tankers matapos itong magkabanggaan malapit sa Singapore.

Natukoy ang mga ito na isang Singapore-flagged tanker Hafnia Nile at Principe-flagged tanker Ceres.

Ayon sa impormasyon, agad naman na na-rescue ang mga crew ng naturang mga oil tankers na nasa ligtas na kalagayan na sa ngayon.

Matatandaan na ang Singapore ay ang pinakamalaking refuelling port sa mundo.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang sanhi ng naturang aksidente.