passengers in Bicol ports
passengers in Bicol ports

LEGAZPI CITY- Patuloy na ang pagdagsa ng mga pasahero na dumadaan sa pantalan ng Matnog kaugnay ng papalapit na halalan.

Ayon kay Port Management Office Bicol Media Relations Officer Achilles Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na simula noong weekend ay mahigit 9,000 na ang daily average ng mga biyahero sa naturang pantalan patungo sa Northern Samar.

Maaga umanong nagsiuwian ang mga biyahero dahil nagkataon na bakasyon na rin ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito ay inaasahan na papalo pa sa 10,000 hanggang 11,000 ang peak ng mga pasahero sa darating na Sabado at Linggo lalo pa at papalapit na ang 2025 National and Local elections.

Dahil dito, sinabi ni Galindes na nakikipag-ugnayan na sila sa mga shipping companies na maghanda kung kinakailangan na magdagdag ng mga barko upang ma-accomodate ang dagsa ng mga pasahero.

Nabatid na dalawang shipping companies na ang nag-deploy ng karagdagang tig-isang barko dahil abala rin ang lahat ng ruta sa kasalukuyan.

Samantala ang pila ng mga sasakyan sa naturang pantalan ay umaabot na rin aniya sa mahigit 1,000 at inaasahan na madaragdagan pa sa mga susunod na araw.