LEGAZPI CITY – Sampung panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang nadagdag sa higit 2, 000 kabuuang kumpirmadong kaso sa Bicol.

Sumampa na ngayon sa 2, 204 ang kabuuang kaso nito sa rehiyon kung saan 326 ang aktibo.

Sa bagong tala na inilabas ng Department of Health (DOH) Bicol, isa ang nadagdag na mula sa Guinobatan, Albay; tatlo sa Daet, Camarines Norte; dalawa sa Baao at isa sa Tigaon, Camarines Sur habang tatlo rin sa lungsod ng Sorsogon.

Lima naman ang panibagong naka-recover kaya umakyat na ang recoveries sa 1, 782.

Nasa dalawang katao naman ang naiulat na nasawi sa Sorsogon na dahilan upang madagdagan ang COVID-19 deaths sa Bicol na ngayon ay nasa 96 na.