construction materials

LEGAZPI CITY- Nakapagtala na ng pagtaas sa presyo ng ilang mga construction materials sa lalawigan ng Masbate.

Ito ay kasunod kakaunting supply at pagtaas ng demand dulot ng pinsalang iniwan ng nakalipas na pananalasa ng bagyong Opong.

Ayon kay Department of Trade and Industry Masbate Provincial Director Joseph Rañola sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na magsasagawa sila ng assessment kung kinakailangan na magkaroon ng diskwento caravan sa lalawigan.

Aniya, pinakiusapan kasi ng tanggapan ang mga business establishments na agad na magbukas matapos ang kalamidad upang mas mabilis na makabili ang mga residente.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan kasi ay marami pa rin ang mga residente na hindi pa rin nakakapagsa ayos ng nasira nilang mga tahanan.

Samantala, maliban sa mga construction supplies ay nag-iikot na rin ngayon ang augmentation team sa mga wet markets upang ma-monitor ang mga presyo ng mga produkto na sakop ng tanggapan.