LEGAZPI CITY- Ikinadismaya ng Kamara ang pagkabigo ng Senado na maipasa ang isinusulong na Economic Charter Change sa harap ng nakatakda ng pag-adjourn ng Kongresa sa darating na Pebredo 5.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay House committee on constitutional amendments chairperson Rep. Alfredo Garbin Jr., nakakalungkot umano na nasayang lamang ang ilang taon pag-aaral, deliberasyon at paghikayat sa publiko upang maisulong ang Economic Cha Cha.
Binatikos nito ang kawalan ng aksyon ng Senado sa bill na layunin sanang mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtangkal sa mga restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa kabila nito, umaasa pa rin si Garbin na maipagpapatuloy ang pagsulong sa resolusyon ng susunod na miyembro ng Kongreso lalo pa’t isa umano ito sa nakikitang makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.