LEGAZPI CITY- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group sa bayan ng San Pascual, Masbate.
Ayon kay Police Major Michael Albania, hepe ng San Pascual Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang naturang indibidwal ay dating miyembro ng Platoon Uno, Kilusang Larangan Guerilla North, Sub Regional Committee ng Masbate.
Kabilang sa mga isinuko nito ay ang isang pistol, magazine at anim na mga bala.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ito ng San Pascual Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento upang maging benepisyaryo ito ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program, na layuning magbigay suporta sa mga rebeldeng nagnanais na makapagbagong buhay.
Maging ang isinuko nitong armas ay may katumbas na halaga.
Ayon kay Albania na patuloy ang paghikayat nila sa mga kasapi ng rebeldeng grupo na magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan ang mga ito na mabigyan ng livelihood program.
Aminado rin ang opisyal na malaking challenge sa kanila ang pagbibigay ng proteksyon sa mga rebel returnee upang hindi balikan ang mga ito ng kanilang dating mga ka-grupo, subalit sinigurong mabibigyan sila ng sapat na seguridad.