LEGAZPI CITY- Nagpaalala ang Commission on Elections Albay sa mga nais maghain ng kanilang certificate of candidacy na siguruhing kumpleto ang mga isusumiteng dokumento.
Ayon kay Albay Provincial Election Supervisor Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao na may karapatan ang komisyon na huwag tumanggap ng mga certificate of candidacy kung hindi makakasunod sa mga hinihinging requirements.
Sa kasalukuyan ay handa na umano ang ahensya na tumanggap ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections.
Kasabay nito ay nanawagan ang opisyal sa mga supporters ng mga aspirants na huwag ng dumagsa sa mga opisina ng Comelec upang maiwasan ang siksikan.
Maari naman umanong magpahayag ng suporta ang mga ito sa ibang paraan.
Samantala, nanawagan naman si Bo-Bunao na samantalahin ang huling araw ng pagpapa rehistro sa Setyembre 30 dahil hindi na umano papawigin pa ang pagpaparehistro.