LEGAZPI CITY- Nilinaw ng mga kinauukulan na barge lamang ang lumubog sa bahagi ng Sorsogon bay at wala itong makina kaya hindi nagdulot ng oil spill.

Paliwanag ni Coast Guard Station Sorosogon Commander Commodore Brummel Magalong sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na habang nagto-tow ang isang tugboat ay sumadsad ang naturang barge.

Magti-take shelter sana ang naturang tugboat dahil sa masamag lagay ng panahon ng mangyari ang insidente.

Nabatid na may kargang uling ang naturang barge na nagiging sanhi ng discoloration sa karagatan.

Samantala, siniguro naman ng opisyal na nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa salvage company at shipping line upang agad na matanggal sa lugar ang barge.

Nais kasing maiwasan na magdulot pa ng pinsala sa karagatan ang naturang barge.