LEGAZPI CITY – Maagang magdedeklara ng heightened alert status ang Coast Guard District Bicol ilang araw bago ang Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Coast Guard Engsign Dwan Grace Detoyato, tagapagsalita ng Coast Guard District Bicol, nagpalabas na ng direktiba ang Central Office na magpatupad na ng heightened alert sa sa Philippine Coast Guard sa buong bansa mula Marso 23.
Subalit mas pinaaga ang pagpapatupad ng Coast District Bicol upang matiyak na ligtas ang publiko partikular na ang mga biyahero.
Ayon kay Detoyato, na sa Marso 18 ay naka-heightened alert na ang Coast District Station at lahat ng substation sa Bicol.
Partikular na sa mahigpit na babantayan ang pantalan ng Matnog sa Sorsogon na ‘gateway’ papuntang Visayas at Mindanao.
Sa ngayon ay inaasahang posibleng umabot sa mahigit 80,000 ang maitalang bilang ng mga biyahero sa naturang pantalan.
Nanawagan naman si Detoyato sa mga pasahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa pantalan upang hindi magkaroon ng aberya sa biyahe.