LEGZPI CITY- Patuloy na ini-obserbahan ng state weather bureau ng Pilipinas ang nakikitang sama ng panahon malapit sa Southern Luzon.
Ito’y matapos na maging Low Pressure Area (LPA) na ang nakitang cloud clusters sa karagatan, dakong alas-tres ng hapon, kahapon, Hulyo 11.
Ngunit agad namang nilinaw ni Christian Allen Torevillas, Weather Specialist sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mababa pa lamang ang tyansang mabuo ito at maging isang ganap na bagyo.
Gayun pa man ay magpapatuloy ang monitoring ng ahensya sa magiging direksyon ng LPA at kung lalakas pa ito.
Sa kasalukuyan ang extension o trough ng LPA ang nakikitang posibleng magdala ng pag-uulan hangang sa thundertsorm sa ilang bahagi ng kabikolan, ngayon o sa mga susunod na araw.
Samantala, sakaling lumakas pa at maging ganap na Tropical Depression ang naturang LPA ay tatawagin itong bagyong Dongdong.