Inihayag ng China Coast Guard na muling nagkabanggaan ang mga barko ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal.

Sinisisi naman ng China ang Pilipinas, na umanoy nagsagawa ng mapanganib na pagmamaneobra sa kabila ng mga babala ng China.

Sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmasyon ang Philippine Coast Guard sa pahayag ng China.

Matatandaan na patuloy na inaangkin ng China ang West Philippine Sea at hindi kinikilala ang international ruling.

Sa nakalipas na mga buwan ay hindi rin humihinto ang China Coast Guard sa pambu-bully at panha-harass sa mga barko ng Pilipinas.