LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Catanduanes kaninang alas-8:45 ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nasukat ang sentro nito sa bahagi ng bayan ng Baras.

Ang naturang lindol ay may lalim na 15 km at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, wala namang inaasahan na anumang pinsala o aftershocks kasunod ng naturang lindol.