LEGAZPI CITY—Nakapagtala ng pagbaba sa produksyon ng abaca ang lalawigan ng Catanduanes noong taong 2025 dahil sa nakaraang pananalasa ng bagyong Pepito sa lugar noong 2024.
Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Catanduanes Provincial Fiber Officer Bert Lusuegro, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bumaba ito dahil hindi hindi pa nakakabawi ang sektor sa naturang bagyo na kung saan umabot sa 10, 643 metric tons o 78% kumpara sa mahigit 80% noong taong 2020.
Iginiit niya na ang nakakakaapekto sa pagbaba ng produksyon nito ay ang pagtama ng malalakas na mga bagyo sa lalawigan.
Gayunpaman, sa kabila nito, may natitira pa ring aniyang mga fiber dahil hindi lahat ng mga ito ay nasira ng bagyo at nananatiling top abaca-producer pa rin ang lugar sa lahat ng probinsya ng rehiyon ng Bicol.
Sa kasalukuyan, mayroon silang mga panukala upang matulungan ang mga apektadong abacalero at rehabilitation program para sa mga taniman ng abaka.











