LEGAZPI CITY-Nakapagtala ng haros 6,000 na mga inbound passengers ngayong taon ang probinsya ng Catanduanes kumpara noong nakaraang taon.


Ayon kay Coast Guard Station Catanduanes Chief of Staff Coast Guard Ensign Jepril Bitas, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kasunod nito mas pinaigting nila ang pagpapatupad ng “Oplan Byaheng Ayos Pasko 2025” simula noong Disyembre 20, 2025 hanggang sa Enero 4, 2026.


Ito ay upang matiyak ang kaligtasan sa paglalakbay ng mga kababayan kasabay ang maigting na seguridad sa mga departure sa pantalan ng Virac at San Andres pati na rin ang tuloy tuloy na monitoring sa shipping companies.


Mas dumami rin aniya ang mga inbound passengers ngayong taon mula sa 4, 256 noong nakaraang taon.


Samantala, bumaba naman ang mga outbound passengers na nasa 6, 103 noong nakaraang taon at ngayon pumalo sa 5, 317.


Sa kabila nito, nagpapakita ito ng patuloy na pagdami ng mga byahero sa provincia ngayong kapaskuhan.


Naka-deploy na rin ang nasa 35 Coast Guard personnel, 3 Marine Environmental Unit personnel, 2 K-9 Handlers at 3 K-9 Dogs at 2 Special Operations Group (SOG) na naka-asign na mga station ng provincia partikular na sa Virac at Matnog Port para sa mas pinaigting na seguridad.


Paalala rin ng opisyal sa mga kababayan na magplano ng maaga sakanilang pagbyahe at makipagtulungan sa mga otoridad.


Hinihikayat rin ang publiko na lumapit sa kanilang Malasakit Help Desk kung mayroon mang pangangailan sa pagtulong para a mas maayos at matiwasay na kapaskuhan.