LEGAZPI CITY – Asahan na umano ang katamtaman hanggang sa kung minsan malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Bicol sa maghapon.
Batay sa inilabas na abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Southern Luzon dakong alas-8:00 ngayong umaga, uulanin ang Catanduanes, Albay partikular na ang Rapu-Rapu at Bacacay na posibleng makaapekto sa ilang karatig-lugar.
Inaasahang magtatagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAGASA Southern Luzon Services Division Weather Specialist Ariel Zamudio, abiso sa mga residente ang pag-iingat lalo na sa posibleng maidulot na mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Sakaling magpatuloy ang sama ng panahon, asahan na umano ang paglalabas ng mga susunod na abiso.
Kahit pa walang nakababalang gale warning, pinag-iingat pa rin ng weather bureau ang mga nasa karagatan sa thunderstorm activity.