LEGAZPI CITY-Hinimok ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang publiko na samahan si Atty. Mans Carpio sa pagdarasal upang lumabas ang katotohanan sa gitna ng mga isyung impeachment laban kay VP Sara.
Ayon kay Castro, walang pinipili ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-iimbestiga sa mga anomalya. Aniya, kahit kamag-anak, kaibigan o kaalyado, dapat imbestigahan kung may ebidensiyang nag-uugnay sa kanila sa anumang iregularidad.
Dagdag pa niya, kung walang ebidensiya laban sa mga nadadamay, may pagkakataon silang linisin ang kanilang pangalan.
Pahayag ito ni Castro kasunod ng sinabi ni Mans Carpio na siya ay collateral damage sa impeachment ni Vice President Sara Duterte na kanyang asawa.











