Isa ng ganap na tropical storm ang dating tropical depression Carina.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng tropical storm Carina sa 630 km East ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito sa direksyon ng Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 65 km/h at pagbugso na hanggang 80 km/h.

Posible itong magdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.