Nakapagtala ng panibagong mga pagyanig sa bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon ng 6 volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.
Nagkakaroon rin ng katamtamang pagsingaw na napapadpad sa kanlurang bahagi ng bulkan at may taas na 200 meters.
Matatandaan na nakataas pa rin sa ngayon ang alert level 1 sa Bulusan volcano na nangangahulugan ng abnormal na aktibidad nito.
Nasukat rin ang pamamaga sa bulkan o ang ground deformation.
Samantala, patuloy naman na pinaiiwas ang publiko sa pagpasok sa 4km radius permanent danger zone.