LEGAZPI CITY- Muling pumalo sa 19 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Mas mataas ito kumpara sa naitala kahapon na nasa anim na volcanic quakes lamang.

Matatandaan na una ng sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagpapatuloy pa rin ang hydrothermal activities ng bulkan kaya normal lamang ang paminsan-minsanna bahagyang pagtaas ng aktibidad nito.

Dahil dito ay hindi pa rin naibababa ang kasalukuyang alert level 1 status na nakataas sa Bulusan volcano.

Samantala, patuloy naman na pinaiiwas ang publiko sa pagpasok sa 4km permanent danger zone ng bulkan.