Nakapagtala ng nasa 15 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Matatandaan na sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 2 sa naturang bulkan.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nasukat rin ang 9, 042 tonelada ng sulfur dioxide kahapon, Oktubre 2.

Patuloy rin ng pamamaga ng naturang bulkan hanggag sa kasalukuyan.