Davao Oriental quake
Davao Oriental quake

Niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang Davao Oriental kaninang alas 9:43 ng umaga.

Nakita ang sentro ng pagyanig sa Manay, Davao Oriental.

May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, agad naman na nagpalabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology dahil sa naturang lindol.

Pinangangambahan rin ang pagkakaroon ng mga pinsala at aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.