Nananatiling kabilang ang Bombo Radyo Philippines sa mga pinaka pinagkakatiwalaan ng publiko sa pamamahayag.

Batay sa pinakahuling survey ng PUBLiCUS Asia, Inc., nasa ika-walong pwesto ang Bombo Radyo sa most trusted news outlet na nakakuha ng 34%.

Nagpapatunay lamang ito sa patuloy na pagsusumikap ng network na maipaabot sa mga tagapakinig at tagapanood ang patas na pagbabalita sa pinakamahalagang mga isyu sa bansa.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 15 hanggang Hunyo 19 sa kasalukuyang taon.

Matatandaan na noong nakalipas na 2023 an kasama rin ang Bombo Radyo sa mga most trusted news outlet sa bansa.

Dahil dito ay maaasahan ninyo ang aming patuloy na pagsusumikap na mapagsilbihan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng patas at dekalidad na pamamahayag.