Bombo Music Festival 2020

LEGAZPI CITY – Labis ang kasiyahan ng isang Bicolano composer matapos na muling makabilang sa 12 finalists ng Bombo Music Festival 2020 sa ikalawang pagkakataon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Eugenio Corpus III na nagsulat ng kantang “Run”, inamin nitong naging problema niya ang kakaibang genre kaya’t pabago-bago ang bersyon ng kanta.

Ayon kay Corpus, inabot lang ng isang linggo ang pagsulat sa kanta noong panahon na ‘hopeless’ na sa kaniyang buhay dahil sa mga problema.

Inspirasyon niya umano ang magagawa para sa ibang tao kaya naisulat ang kanta na nilalayong mahaplos rin ang damdamin ng iba.

Nabatid na 10-anyos pa lang si Corpus nang magsimulang magsulat ng kanta hanggang sa mahilig na sa pagcompose nito.

Noong nakaraang taon nang maging isa rin si Corpus sa 12 finalists sa Gospel song na “Heal Me”.