Humingi ng paumanhin ang OA Entertainment na siyang agency ng Blackpink member na si Jennie matapos ang kinasangkutan nitong kontrobersiya.
Ito matapos kumalat ang video ng K-Pop star na gumagamit ng vape sa loob ng isang kwarto.
Makikita sa naturang video na napapalibutan ng kaniyang glam team si Jennie ng biglang gumamit ng vape at ibinuga ang usok malapit sa isang staff.
Ayon sa pahayag ng OA Entertainment na nagsisisi si Jennie sa insidente at humingi ng tawag sa mga fans na na-dissapoint nito.
Samantala, maraming netizens naman ang dumipensa sa singer at sinabing normal lamang sa isang adult ang paggamit ng vape.
Ayon naman sa ilang kritiko na hindi dapat gumagamit ng vape indoor.