Ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Taiwan ay isa ng ganap na bagyo at tatawaging ‘Dindo.’

Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nasukat ang tropical depression Dindo sa 560 km Northeast ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 km/h at pagbugso na 55 km/h.

Hindi naman umano ito direktang makaka apekto sa sitwasyon ng panahon sa bansa.