Bicolano educator bags Outstanding Educator Award in US

LEGAZPI CITY- Pinarangalan ang isang Bicolano teacher ng Outstanding Educator Award dahil sa kaniyang husay at pagnanais na maisulong ang inclusive education.

Si Ranell Engay na tubong Sorsogon ay isang Science teacher sa Rosebud School District sa Montana.

Ang naturang pagkilala ay mula sa Division for Learning Disabilities of the Council for Exceptional Children (CEC-DLD), na isang organisasyon sa Amerika na nagsusulong ng edukasyon para sa mga mag-aaral na mayroong learning disabilities.

Ayon kay Teacher Ranell sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na marami siyang mga special education students subalit sinisikap na ma-integrate sa regular class.

Paliwanag nito na ang edukasyon ay para sa lahat at walang dapat na maiwan, lalo na ang mayroong mga espesyal na pangangailangan.

Aminado ito na sa una ay mahirap mag-adjust lalo na sa magkaibang kultura at bevior ng mga mag-aaral, subalit maituturing niyang ‘rewarding’ ang kaniyang propesyon.

Si Ranell ay unang nagturo sa Bagacay National High School at unang nag-apply na magturo as Estados Unidos noong 2018 subalit hindi ito pinalad.

Muli siyang sumubok noong 2019 subalit hindi pa rin natanggap hanggang na tuluyan na na-hire noong taong 2021.