LEGAZPI CITY- Ikinadismaya ng isang election watchdog ang talamak pa ring vote buying sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na lumabas sa kanilang monitoring na ang Bicol region ang may pinakamalaking bigayan sa talamak na pagbili ng boto para sa 2025 National and Local elections.
Aniya, batay sa kanilang monitoring ay pumalo ng mahigit P16,000 ang halaga ng vote buying sa ilang bahagi ng rehiyon.
Kinondena ng grupo ang umano’y pagsasamantala ng ilang makapangyarihang personalidad sa kahirapan ng mga botanteng Pilipino.
Ayon kay Arao na karaniwang nasa likod ng naturang vote buying ay ang malalaking political dynasty sa rehiyon.
Sa kabila nito, hindi naman nailahad ng opisyal ang magiging hakbang ng naturang grupo sa mga insidente ng pagbebenta at pagbili ng boto.