Bicol Jeepney Drivers and Operators Federation hindi sasabay sa week-long transport strike; mga komyuter mayroong masasakyan

84


LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Bicol Jeepney Drivers and Operators Federation na hindi sasabay ang kanilang grupo sa ikakasang isang linggong tigil-pasada ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Domingo Arango, secretary general ng Bicol Jeepney Drivers and Operators Federation, nagkaisa umano lahat nilang myembro na hindi sumama sa transport strike at ipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo sa publiko.


Paliwanag ni Arango, ipinagbabawal sa mga nag-apply na sa mga kooperatiba na sumama pa sa anumang kilos-protesta.

Oras umanong sumabay ay posibleng may kaharaping penalty, maliban pa rito ay posible ring maapektuhan ang pagpuproseso ng mga dokumento sa Office of Transportation Cooperatives at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


kaugnay nito ay siniguro ni Arango na sa mayroong biyahe ang 14 ruta ng grupo sa buong Albay at may masasakyan ang mga komyuter sa probinsya.