LEGAZPI CITY – Isinailalim na sa Red Alert status ang Bicol bilang paghahanda sa posibleng epekto ng namumuong sama ng panahon malapit sa rehiyon.
Sinabi ni Office of the Civil Defense Bicol Regional Director Claudio Yucot sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, pinulong na rin ang mga kasapi ng Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para sa pre-disaster preparations.
Malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Bicol dulot ng Low Pressure Area (LPA) na posibleng umakyat sa kategoryang Tropical Depression.
Inabisuhan ang maliliit na sasakyang-pandagat na huwag nang pumalaot, gayundin ang mga nasa landslide at flood-prone areas sa pagmonitor ng sitwasyon.