LEGAZPI CITY- Patuloy ang paghikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol sa mga pribadong indibidwal na makilahok sa pagpo-produce ng mga fingerling.
Partikular na dito ang fingerling ng bangus at tilapia.
Paliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol Director Ariel Pioquinto sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kung mapaparami ang fingerlings ay makakasiguro na may sapat na pinapalaking mga isda.
Nangangahulugan umano ito na mas mapapalago rin ang produksyon sa rehiyon.
Dagdag pa ng opisyal na may mga available na lugar para sa pagpapalaki ng mga fingerling para sa mga nais mag-invest.
Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang ahensya na magbigay ng technical support upang mas mapaunlad pa ang mga palaisdaan sa rehiyon.