Nagkabanggaan ang varko ng China Coast Guard 21551 at PCG vessel na BRP Bagacay malapit sa Escoda shoal sa West Philippine Sea.
Base iyan sa kumakalat na video mula sa Shanghai Daily.
Nangyari ang naturang insidente kaninang 3:24 am ngayong Lunes, Agosto 19 sa kabila ng panibagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na naglalayong pahupain ang tensiyon sa pagitan ng 2 bansa.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa panig ng Pilipinas hinggil sa panibagong insidente sa WPS.