LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nananatili ang posibilidad na magkaroon ng phreatic eruption sa Bulkang Bulusan kasunod ng mga naitatalang aktibidad.

Bulkang Bulusan

Base sa datos ng PHIVOLCS, sa nakalipas na 24 oras, umabot sa 178 ang mga volcanic earthquakes na naitala sa paligid ng bulkan.
Epekto umano ito ng namumuong pressure sa loob ng bulkan na maaring magdulot ng pagsabog anuman na oras.

Dahil dito, hindi pa rin mabatid kung kailan na maaaring makauwi ang mga evacuees sa bayan ng Juban na pinalikas matapos ang naitalang mga pagyanig.

Mahigpit naman ang payo ng mga otoridad na huwag papasok sa 5km permanent danger zone ng bulkan habang dapat na magdoble ingat ang mga residente sa 2km extended danger zone.