LEGAZPI CITY – Iminungkahi ng toxic watchdog group na mas palawigin pa ang nakasanayang isang oras na pag-obserba ng Earth Hour.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ban Toxics Campaigner Thony Dizon, hindi naman kasi lahat ay nakikiisa sa Earth Hour kaya mas magandang gawin ito araw-araw.
Maliban pa rito, hindi lamang naman sinisimbolo ng Earth Hour ang pagpatay ng lahat ng ilaw kundi marami pang paraaan upang mabawasan ang polusyon.
Kasama na rito ang pagtanggal sa saksakan ng mga appliances, pagtapon ng basura sa tamang basurahan, pagpapanatili ng kalinisan at tree planting.
Kahit aniya sa maliit at simple na paraan ay maaaring ipakita ang pagprotekta at pangangalaga sa kapaligiran.
Giit ni Dizon na sa sobrang polluted na ng kapaligiran ay kinakailangan din na magpahinga ng Inang Kalikasan para sa ikabubuti ng mga nabubuhay dito.