LEGAZPI CITY-Inilunsad na ang Balay Silangan Reformation Center program sa Barangay Poblacion Rapu-Rapu Albay.

Ayon kay Rapu-Rapu Municipal Police Station, Police Major Joseph Melitante, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang programa ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Rapu-Rapu at iba pang ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Cost Guard.

Dagdag pa ng opisyal, matagal nang pinaplano ang pagtatayo ng Balay Silangan Reformation Center para mapabuti ang paglaban ng munisipyo laban sa ilegal na droga.

Kasama rin sa programa ang mga drug personalities na boluntaryong sumuko sa pulisya at mga convicted personalities na sasailalim sa interbensyon.

Nakikipag-ugnayan din sila sa iba pang mga ahensya na may subject matter expertise sa programa para sa mga social responsibilities, social welfare, edukasyon, asin kalusugan.

Sa ilalim ng programa, aniya, maaaring magkaroon din sila ng pagkakataon sa TESDA o Technical Education and Skills Development Authority at sa iba pang programang nakatakdang ilaan ng gobyerno.

Tinitiyak ng programa na malinis ang munisipalidad ng Rapu-rapu laban sa illegal na droga at magkaroon ng sumbungan ng mga impormasyon tungkol dito ang mga residente at lokal na sanggunian ng nasabing bayan.