LEGAZPI CITY- Patay ang isang babaeng rider matapos na mabangga at magulongan ng transit mixer sa boundary ng Barangay Padang at Lidong sa Legazpi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kapitan Harold Bembenuto, na isa sa mga rumesponde sa insidente, papunta sa direksyon ng legazpi ang biktima ng mag-overtake ito sa sinusundan na transit mixer.

Subalit saktong pakurba ang daan kung kaya nahirapan sa pagmamaniobra ang rider dahilan kung kaya na-slide ito.

Dito na nabangga at nagulongan ng transit mixer ang biktima na agad na binawian ng buhay.

Hindi naman nagtangkang tumakas ang driver ng transit mixer na nakipagtulongan sa mga pulis at opisyal ng barangay na rumesponde sa insidente.