The body of a female masseuse has been found at a farm in Norzagaray, Bulacan. According to the Norzagaray PNP, farm workers found the body of a woman wearing a black shirt and with some of her body parts buried.

Bangkay na ng matagpuan ang isang babaeng masahista sa isang farm sa Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa Norzagaray PNP, natagpuan ng mga trabahador sa farm ang bangkay ng isang babae na nakasuot ng itim na sando at nakalibing ang ilang bahagi ng katawan nito.

Batay sa impormasyon, agad na nagsagawa ng follow-up at hot pursuit operation ang pulisya hanggang sa matagpuan at maaresto ang suspek na si alyas “Tano” sa Brgy. District IV, Lemery, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, pinapunta ng suspek ang masahista na si alyas “Mari” ng Brgy. San Martin, San Jose Del Monte City, sa kamalig ng farm para magpamasahe ngunit hindi sapat ang binayad at tumanggi ang masahista na makipagtalik.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at sinampal ng babae ang suspek at gumanti ito sa pamamagitan ng paghampas sa ulo at pagsasaksakin hanggang sa mamatay at inilibing nito.

Nadiskubre lamang ang brutal na krimen nang matagpuan ng mga trabahador sa farm ang nakaumbok na lupang hinukay nila hanggang sa matagpuan nila ang bangkay ng babae.

Narekober din sa lugar ang isang pala na ginamit sa paghuhukay ng lupa at ang cellphone ng biktima habang nahaharap ang suspekt sa kasong murder.