LEGAZPI CITY – Patay ang isang babaeng backrider matapos tumilapon ng sumabit ang sinasakayang motorsiklo sa isang tricyle na papaliko sana sa intersection ng Barangay Santa Misericordia, Sto. Domingo, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. PMaj. Genivieve Oserin, hepe ng Sto. Domingo Municipal Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang driver ng motorsiklo na si Michael Llorera, 26-anyos na galing sa outing sa bayan ng Tiwi kaya mabilis ang patakbo nito.
Makikita sa kuha ng CCTV camera na kinain ng motorsiklo ang kabilang linya na double yellow solid lines at saktong papalabas din ang isang truck sa intersection ng kalsada.
Naiwasan pa ng motorsiklo ang naturang truck subalit sumabit ito sa naturang tricycle na minamaneho ni Manuel Volante, 60-anyos, dahilan upang tumilapon ang backrider.
Sa lakas ng impact, dead on arrival na dinala sa ospital ang backrider na kinilalang si Jessa Rosin, 27-anyos dahil sa tindi ng tamang sinapit sa aksidente.
Sa ngayon nakakulong na ang driver ng motorsiko habang hinihintay pa ng PNP kung sasampahan ito ng kaso ng mga kaparientes ng biktima.