Lumakas pa ang Bagyong #AuringPH na ngayon ay nasa kategorya nang Tropical Storm habang mabagal na kumikilos sa pa-Hilagang Kanluran sa Philippine Sea.
Batay sa Severe Weather Bulletin na inilabas ng PAGASA DOST dakong alas-11:00 ngayong umaga (Pebrero 18), huling namataan sa layong 685 km East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur ang sentro ng bagyo kaninang alas-10:00.
Baon nito ang hangin na 65 km/h malapit sa sentro at pagbugso na hanggang 80 km/h.Wala pang nakababalang tropical cyclone wind signals sa kasalukuyan.
Hindi pa gaanong inaasahan ang malalakas na pag-ulan ngayong araw dulot ng bagyo.
Gayunpaman, asahan na ang heavy rainfall sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol Region, CALABARZON, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Lanao del Sur, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Northern Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands, sa weekend hanggang Lunes.
Pinag-iingat ang mga residente na nasa risk areas at abiso na maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.