LEGAZPI CITY – Natapos ng mag-install ang Albay Public Safety Emergency and Management Office ng tatlong rain gauges sa estratehikong lokasyon sa paligid ng bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Public Safety Emergency and Management Office Head Dr. Cedric Daep, gagamitin ang nasabing mga ekipahe para sa pagbabantay sa volume ng tubig-ulan na bumabagsak sa lalawigan.
Inilagay ang mga rain gauges sa bahagi ng bulkan na sakop ng bayan ng Guinobatan; Legazpi at Tabaco City.
Makatutulong umano ang mga instrumento upang mabilis na makapagbigay ng babala sakaling magkaroon ng mga pagbaha at lahar flow.
Pwede rin itong pagbasehan para sa posibleng pagpapalikas ng mga residente.
Mula ang mga instrumento sa P2 million na pondong donasyon ng Office of the Civil Defense at mga foreign donor.