Matapos ang dalawang linggong paghahanap sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City ay naaresto na si Pastor Apollo Quiboloy.

Misming si Interior Secretary Benhur Abalos ang nagkumpirma sa naturang impormasyon kalakip ng pag-post ng larawan ni Quiboloy.

Ayon sa paunang impormasyon, nabatid na mismong sa loob ng KOJC compound nadakip ang naturang pastor.

Matatandaan na nahaharap ito sa patong-patong na kaso kabilang na ang kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.