LEGAZPI CITY – Inamin ng Albay Veterinary Office na patuloy ang pagdami ng mga stray dogs o asong gala sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Veterinary Officer Dr. Pancho Mella, nagiging aktibo ngayon ang ilang barangay sa pag-implementa ng stray dog elimination upang mabawasan o makontrol ang pagdami ng mga aso na may rabies.
Subalit nanawagan si Mella sa mga barangay na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan bago magsagawa ng stray dog elimination.
Aniya, mabilis na mapuno ang provincial poun at hindi kayang i-accommodate ang lahat ng mga dinadalang stray dogs.
Ayon kay Mella, limitado lang ang bilang ng mga aso na pwedeng dalhin sa naturang pasilidad dahil tanging 200 heads lang ng stray dogs ang kayang i-accommodate.
Kaya kung sabay-sabay aniya na mag-iimplementa ang mga barangay tiyak na wala nang mapaglalagyan ng mga nahuhuling mga aso.
Sinabi pa ng opisyal na ino-obliga lang na magsagawa ng dog elimination basta’t mayroong shelter na mapaglalagyan ng mga dinadakip na mga stray dogs.
Nanawagan din ito sa mga lokal na pamahalaan na kung mayroong sobrang pondo ang pwdeng gamitin sa pagtatayo ng shelter para sa mga galang aso at pusa.