Mosquito fish
Mosquito fish

LEGAZPI CITY- Nakikipagtulungan ngayon ang ilang mga pasyalan sa Albay sa isang non-government organization para sa paggamit at pagpaparami ng mosquito fish.

Ito ay bilang panglaban sa dumaraming mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Ayon kay Albay Park and Wildlife Manager Dr. Franz Villamer Colambo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang sila sa mga nakatanggap ng mosquito fish na nailagay sa ilang mga man made fish ponds at fountains na karaniwang pinamumugaran ng lamok.

Aniya, ang mosquito fish ay nasa one inch hanggang two inches ang laki at may kakayanan na manganak ng nasa 100 isda kada buwan.

May kakayanan ang naturang mga isda na kumain ng hanggang 100 na kiti-kiti kaya napipigilan ang pagdami ng mga lamok.

Ang mosquito fish ay karaniwan ring ginagamit ng mga barangay upang ilagay sa mga stagnant bodies of water.

Subalit nagbabala si Colambo na hindi ito inirerekomenda na ilagay sa mga fresh body of waters tulad ng mga ilog dahil sa mabilis na magdami ng lahi ng mga ito na posibleng maka apekto sa iba pang uri ng mga isda.